Gawin mo ito sa biyernes petsa 8 pinakamasuwerteng numero

Biyernes petsa 8 pinakamasuwerteng numero infinity number

Alam naman siguro natin ang ang numero 8 ay kilala bilang napakasuwerteng numero. At sa biyernes ang petsa otso sa unang buwan ng taong 2021.

Gawin mo ito ng alas 6 hangang 8 ng umaga at humarap ka sa silangan.

Kumuha ng dahon ng laurel sa dahon ng laurel ay isulat mo ang iyong kompletong pangalan at sa likod ng laurel ay isulat munang tatlong beses ang numero 8

Pagkatapos ay hawakan mo ang laurel humiling ka na sa pamamgitan ng tulong nila ay gabayan ka na matupad ang lahat ng iyong ninanais na mangyari sa taong 2021,

Pagkatapos ay ilagay mo ang dahon ng laurel sa iyong wallet at hayaan ito sa wallet na ginagamit mo.

Ang dahon ng laurel na ito ang tutulong sa iyong makamtan ang lahat ng suwerte sa buhay na inaasam-asam.

Muli gawin lamang ito kung kayo ay may buong tiwala sa ginagawa laging samahan ng sikap ang panalangin sa poong may kapal.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here