Gawin mo bago mag 12 sa Dec 31 at ilagay sa Center table

Kung nais ninyo na magbago tungo sa maganda ang inyong pamumuhay sa paparating na taong 2021 gawin mo bago sumapit ang 12 na pagsalubong na taon.

Una kailangan dito ay bigas dapat ay buo ng mga butil na gagamiting bigas sa isang babasahin na manggok ay ilagay mo dito ang bigas kailangan mo din ng 12 na piraso ng barya na dapat ay nahugasan muna ng tubig na may asin at suka saka mo patuyuin sa sikat ng araw, kailangan mo din ng 12 na piraso ng itlog hugasan din ang mga ito ng tubig na may asin at kailangan din natin ng walong piraso ng cotton balls upang mas magpapagaan ang ating pamumuhay.

Pag kompleto na ang lahat malinis na ang mga ito ay ipatong mo ang itlog isa-isa sa bigas. Pagkatapos ay ilagay ang mga barya paikot sa ating mangkok at saka mo ipatong dito ang walong piraso na cotton balls.

Ilagay mo sa center table of kaya ay sa weather area ng inyong tahanan. Pagnalagay na ito ay dasalan mo ito ng taimtim ng isang SUMASAMPALATAYA at isang AMA NAMIN.

Kailangan ay taimtim at buong puso ay pagdadasal mo. Pagkatapos ay isunod mo lahat ng iyong mga nais mangyari sa iyong sa taong 2021. Lahat lahat ng iyong hiling ay buong puso mo usalin.

Pagkatapos ay hayaan ito hangang sa January 2 ng umaga kumaha ng pulang pouch o tela maglagay ng isang dakot ng bigas galing sa bowl at ilagay din ang mga barya at puwede na ninyo gamitin ang bigas ang itlog naman ay maaari na ding lutuin. Ngunit kumuha ng balat mula sa itlog at isama itong ilagay sa pulang tela o pulang pouch.

Wag na wag gagastusin ang mga barya sapagkat ito ang magdadala sa inyo ng maraming suwerte sa buhay sa buong taon ng 2021