Gawin ito ngayong Sabado kasabay ng paglabas ng sinag ng buwan.

Una po ay kakailangin natin dito ang ating isang daang porsyentong tiwala at positibong isipan.

Kumuha ng clear na babasagin na garapon banlawan ito ng mainit ng tubig upang ito ay malinis ng husto saka ito patuyuin.

Kailangan din natin na malinis na tubig yung tubig na inumin asin pamintang buo at dahon ng laurel tatlong piraso at isang butil ng bawang yung may balat.

Tandaan po bago umpisahan ang ating ritwal tiyakin na positibo ang iyong isipan at umusal muna ng panalangin. pagkatapos ay lagyan ng tubig inumin ang garapon lagpas kalahati.

Pagkatapos ay kumuha ng isang kurot ng asin ito ay proteksyon,  dahan-dahan ilagay ang asin at hilingin mo na kayo ay proteksyonan sa anumang mga negatibong enerhiya at kamalasan saka mo isunod na ilagay ang bawang. Pagkatapos ay kumuha ng pitong pirasong buto ng paminta hawakan mo ito sa iyong kamang kamay at saka humiling lahat ng kahilingan ay hilingin mo dito. saka mo isa-isang ilagay sa garapon ang buto ng paminta. Ngayon kuhanin ang tatlong dahon ng laurel isa -isa itong ilagay sa garapon bago ilagay ay muling kang humilng kailangan ang hiling ay buong puso yung may damdaming kahilingan pagkatapos mong mailagay ng paisa-isa ang dahon ng laurel ay maari kayong maglagay ng dahon ng laurel na durog kahit ilang lamang po.

Pagkatapos iyong gawin ay pasinagan mo ito ng sinag ng buwan sa loob ng isang oras saka mo ito ipasok at ilagay sa inyong altar, kung walang altar ay ilagay ito sa likod ng inyong pintuan. Kinabukasan ay itapon ito  sa labas ng bahay sa loob po lamang ng bakuran mas mainap po kung may lupa dahil kapag tumubo ang bawang ay tiyak ang suwerten na dadating sa iyong buhay.

Gawin po ito ng may buong tiwala at positibong pananaw