Gawin ito ng beyernes ng alas 3 ng madaling araw

Sinasabing paglipas po ng madaling araw ay hindi ganun ka dami ang mga nananalangin, kaya naman mas madali tayong padinig sa ating mga kahilingan at dasal.

Subukan po ninyo ito at tumanggap ng katakot takot ng swerte sa buhay at pananalapi, kailangan po lamang ay buo ang tiwala buong puso dalangin at sipag at tiyaga.

Kailangan mo lamang ay tatlong puti na kandila, tatlong kutsara ng rock salt, Isang may kalakihang pamintang buo.

Sa dahon ng laurel sa pinakagitna isulat mo ang buo mong pangalan pati kapanganakan. Pagkatapos ay isulat mo lahat ng iyong kahilingan sa palibot ng dahon ng laure lahat lahat ng iyong hiling kaya kailangan natin ng malaking dahon nito.

Kumuha ng maliit na babasagin na baso o kahit po yung shot glass ilagay dito ang tatlong kutsara ng asin saka po itusok dito ang dahon ng laurel. Pagkatapos ay kuhanin ang tatlong puti ng kandila hawakan ito sa dalawang kamay saka bigkasin ang iyong mga kahilingan wag na wag po kayong gumamit ng salitang sana.

Ang hiling na iyong nais ay nasa sa iyo na po ikaw ang bahala kung anuman ang iyong mga kahilingan.

Pagkatapos sindihan ang kandila itabi ito sa baso at hayaan ito hangang sa tuluyan maupos ang mga ito. Pagtunaw na linisan ang mga tulo ng kandila upang mas magiging maganda ang resulta ng kahilingan.

Gawin po lamang ito ng biyernes ng alas tres ibig sabihin kung halimbawa ngayon ay gabi ng huwebes bumangon ka pagsapit ng alas tres ng madaling araw at doon ito gawin, hayaan lamang ang asin sa atlar o kaya ay sa lamisa itapon ito pag ito ay nagtutubig na.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here