Gawin ito kahit anong araw

Mga kailangan

1. Malinis na garapon dapat may takip at tiyakin na ito ay malinis.

Isang puting Malinis na papel at ballpen.

Kung kayo ay laging nakakaranas ng kabiguan sa buhay pag-ibig o sa kung ano pa gawin mo ito

Una  isulat sa isang puti at malinis na papel ang anumang negatibong nararanasan sa iyong buhay sa kasalukuyan. Kung nasalo mo man lahat kamalasan sa pag ibig, pera, sugal, trabaho then lahatin mo na.

Halimbawa para may idea po kayo paano isulat

Lagi na Lang akong malas pagdating sa Pag aapply sa trabaho Malas pa ako sa pag ibig, Ang dami ko pang utang na hanggang ngayon dko na halos nababayaran pinagtataguan ko na lang,  etcetera etcetera. Lahatin nyo napo kung anuman Yun na nais nyo nang ma wash out sa inyong buhay. Minsanan na Lang lahat at isang beses Lang din Ito gagawin.

 Tupiin ang papel palabas sayo or palayo sayo. Palabas po ang tupi dahil nga mga unwanted ang mga yan nais mo nang mawala o matuldukan. Papasok naman ang pag tupi kung sa positibong paraan naman gamitin.

Ilagay Ang natuping papel sa ibabaw ng takip Ng garapon.

Ilagay sa loob ng garapon ang papel gamit lamang ang takip ng garapon., dapat lang po na hawakan Ang takip pero wag hayaang mahawakan ng inyong kamay ang papel na nasa ibabaw ng takip. Kaya dapat dahan dahan dapat ang pag hawak sa takip para sakto sa butas ng garapon agad agad Ang papel.

 Dapat ang garapon ay malinis walang kahit anong amoy. Takpang mabuti ang garapon at itago Ito sa isang madilim na lugar sa inyong tahanan na walang makakakita ninuman. Nakatago Lang Ang garapon hanggat dpa nawawala Ang lahat Ng mga negatibong ganap na naisulat mo sa papel. At Kapag pansin na ninyo na ok na Ang inyong kalagayan, itapon na Ang lahat Ng mga ginamit. Una, tanggalin Ang papel sa loob Ng garapon, then punitin sunugin itapon sa basura Kayo na bahala. Ang garapon naman itapon sa isang lugar malayo sa Inyo at Kapag naitapon wag na itong lingunin.

Samahan din po lage taimtin na panalangin at isang positibong kaisipan para lahat Ng kamalasan mo sa buhay ay unti unti nang maglalaho

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here