Narito ang ilang mga impormasyon tungkol sa masuwerteng wallet:
1. Itago muna ang wallet na isasama sa espesyal na personal na gamit nang mga tatlong araw saka ito kunin at gamitin.
2. Maglagay sa wallet ng tulad ng mga sumusunod: Larawan ng sinasambang Diyos ng may-ari. Puwede ring simbolo ng kanyang kinikilalang God.
3. Larawan ng mga taong kanyang inspirasyon sa buhay.
4. Kumuha ng kapirasong bahagi ng lumang wallet at ilagay sa bagong wallet.
5. Maglagay ng coins sa wallet.
6. Hindi dapat magtagal sa wallet ang mga resibong binayaran.
7. Ang ulo sa papel na pera ay dapat nakaayos sa loob malapit sa katawan ng tao kapag bubuksan ang wallet.
8. Inaayos ang mga perang papel na ang mga ulo ay nasa isang lugar.
9. Isara agad ang wallet pagkatapos magbayad.
10. Bawal ibaba sa mesa o silya ang wallet.
11. Ingatang ‘wag mabasa ng anumang likido ang wallet dahil nababawasan nito ang suwerte kapag nababasa ang pitaka. Agad itong patuyuin o punasan at ipagpag sa hangin.
12. Huwag ipahahawak sa iba ang wallet kahit sa mga mahal sa buhay. Kung magpipilit silang hawakan ito, dapat ipagpag agad.
13. Hangga’t maaari, hindi rin dapat ipinakikita sa iba ang loob ng wallet.
14. Hindi inirerekomendang maglagay ng sobrang maraming pera sa wallet na makikita itong putok na putok dahil sa kapal ng laman.
15. Sa kasalukuyan, marami na ang nagpapatunay na ang dahong laurel ay pampasuwerte sa wallet.