Dear Maria: May sayad si Labs

Heart in your hands

Dear Maria,

Ang boyfriend ko ay madaling magalit kaya natatakot ako sa kanya lalo na kapag siya ay nagselos. Para kasi siyang may sayad kung umasta. Sabihin mo naman kung anong dapat kong gawin? Kapag naman maganda ang mood niya ay sobra siyang sweet. Ngunit, para talagang may mali sa kanya. Please tulungan ninyo akong magdesisyon kung ano ba ang dapat kong gawin? — LOvely

LOvely,

Kung alam mong may mali sa karelasyon mo, bakit ka pa nagtitiyaga sa kanya? Dahil mahal mo siya? Kung mahal mo siya, sigurado akong mas malaki ang pagmamahal mo sa’yong sarili. Kaya kung natatakot ka na kapag nagagalit siya, ibig sabihin, may hindi tama sa kanya. Makabubuting ag-isipan mo ng makipaghiwalay sa kanya.

Lahat naman ng tao ay mayroong good mood at hindi mo dapat ibase lang sa ka-sweet-an niya ang pagiging mabuting tao niya. Makikita mo ang kabutihan sa puso ng isang tao kapag nasa kritikal siyang kalagayan o may problemang kinakaharap. Kaya, kung nagta-transform sa mala-monster look ang boyfriend mo, matakot ka na. Baka nga kasi may sayad siya at hindi mo iyon dapat na ipagwalambahala.

Saka, ilang taon ka na ba para masyado mong seryosohin ang pag-ibig? Kung bata ka pa lang naman, mas maigi kung mag-concentrate ka muna sa pag-aaral. Sa tamang panahon ay darating din sa buhay mo ang tamang lalaki.