Dear Maria: May Diabetes si Labs

Heart in your hands

Dear Maria,

Mahal na mahal ko naman ang aking Mister kaya lang hindi na niya maibigay sa akin ang pangangailangan ko bilang babae. Mayroon na kasi siyang diabetes kaya hindi na ako satisfied sa performance niya. Ayun tuloy laging mainit ang ulo ko sa kanya at tumatabang na rin ang pakikisama ko sa kanya. Para tuloy gusto ko na lang siyang hiwalayan. Payuhan ninyo ako kung ano ba dapat kong gawin. — Jeanette

Jeanette,

Alam kong importante ang sex sa pagsasama ng mag-asawa pero, hindi ba mas mahalaga pa rin sinumpaan ninyo na magsasama habambuhay?  Gayunman, hindi naman kita masisisi kung ganyan ang nararamdaman mo lalo na’t mainit ka at mapusok. Sana nga lang ay huwag dumating ang araw na pagtataksilan mo ang iyong mister.

Naku, malaking gulo ‘yan kapag nagkataon, mas mabuti pa nga siguro kung hiwalayan mo na lang siya. Iyon nga lang, bago mo gawin iyon ay pag-isipan mo ring mabuti. Baka naman kasi mamaya ay magsisi ka lang. Huwag kang magpabigla-bigla lalo na kung may anak kayo. Sana ay mas isipin mo siya. Ngayon kung wala naman kayong anak, isipin mo rin sana ang pinagsamahan ninyo ng mister mo.

Kung buwisit ka man sa inyong sitwasyon, sigurading higit pa diyan ang nararamdaman ng iyong mister dahil pakiramdam niya ay wala na siyang silbi. Tapos damang-dama pa niya ang panlalamig mo sa kanya. Sana naman ay huwag siyang magkaroon ng depresyon dahil baka maisipan niyang nagakamatay.

O, kung mangyayari ba iyon, anong gagawin mo?

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here