Dapat nga bang kalimutan ang pag-ibig?

Kung talagang mahal mo ang isang tao, bakit mo kalilimutan na mahal mo siya? Dahil may pagkukulang siya at sinaktan niya ang iyong damdamin. Kaya, sana bago ninyo kalimutan ang pagmamahal mo, isipin mo muna ang maaaring mangyari kapag hindi ninyo inayos agad ang problema.

Una, lagi na lang kayong mag-aaway. Aba kung may anak kayo siya o sila ang higit na maapektuhan. Kaya, dapat kung magbabangayan kayong mag-asawa hindi dapat nakikita ng anak dahil malaki ang tendensiya na siya ay maging rebelde. Kung magkasintahan pa lang naman kayo at alam mong hindi siya mapagkakatiwalaan, matauhan ka na.

,

Pangalawa, handa ka ba sa hiwalayan? Tanungin mo ‘yan sa’yong sarili. Kung talaga kasing mahal mo siya ay siguradong hindi mo gugustuhin ito. Ang dapat mo na lang tuloy gawin ay tanggapin ang kanyang mga pagkukulang. Mas makabubuti na ang lahat ng gusto ninyong mag-asawa ay ayusin bago matulog.

Kung sasabihin mong mas mahal mo ang iyong sarili, siguro nga ay hindi kayo para sa isa’t isa. Hindi kasi ikaw ang tipo ng tao na gugustuhing ibaba ang kanyang pride para magkaayos sila ng kanyang mahal. Gayunman ay hindi kita masisisi kung matitindi na ang kasalanan sa’yo ng partner mo.

Kaya, timbangin mo na lang kung ikaw ba ay mananatili a o mahihipaghiwalay na lang.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here