Dapat ba tayong mahigpit sa ating mga anak pagdating sa pakikipag relasyon?

Hello mga momies, tayo po ba ay dapat maghigpit sa ating mga anak pagdating sa pakikipag relasyon lalo kung siya ay babae at minor de edad pa? Dapat ba natin siya pigilan sa pakikipag relasyon?

Para po sa akin ay hindi, ngunit kailangan po ay gabayan natin sila, lagi nating ipaalala sa kanila ang kanilang limitasyon,

Kasi pag pipigilan at hihigpitan natin sila ay doon sila magrerebelde yong magkikita sila ng lihim o patago na mas maaari mahdulot ng hindi maganda gaya ng maagang pagkabutis ng ating mga anak.

Hindi po naman masama ang maging maghigpit sa ating mga anak ngunit dapat din ay ating ipadama sa kanila ang ating mga tiwala, maging kaibigan tayo sa ating mga anak at lagi natin silang gabayan.

Ang masyadong paghihigpit sa kanila ay hindi magandang paraan sapagkat iisipin nila na wala tayong tiwala sa kanila.

Basta nakikita natin na hindi niya pinapabayaan ang kanyang pag aaral kahit pa siya ay nakikipag relasyon na basta nakikita natin ang pagiging responsible ng ating anak ay hayaan natin siyang maging masaya ngunit tiyakin lamang natin na lagi tayong nariyan upang ipaalala sa kanila ang hangangan ng pakikipag relasyon,kung hangang saan lang dapat upang magkaron siya ng magandang kinabukasan sa hinaharap.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here