Dahil po ber month na, narito ang isang matinding pampaswerte

Dahil po nalalapit nanaman ang kapaskuhan ay ituturo po natin ang isang matinding pampaswerte na maaring maghatid sa inyong ng marami pera/salapi. at iwas negativity at kamalasan.

kailangan lamang natin ng tatlong kutsara ng basil powder, isang dahon ng laurel yung malaki po red na pouch at piso.

Sa dahon ng laurel sa pinaka gitna ay isulat mo ang iyong kompletong pangalan at sa taas at baba nito ang kahilingan kumbaga nasa gitan ang pangalan mo sa iyong hiling, ang pisong barya ay ibabad mo sa tubig ulan sa loob ng limang minuto pagkatapo kuhanin ito at hayaan munang kusang matuyo wag na wag itong pupunasan.

Ngayon kuhanin ang pulang  pouch saka mo dito ilagay ang piso na pinatuyo mo mula sa pagkababad ng tubig ulan, pagkatapos ay kuhanin ang dahon ng laurel kung saan isinulat ang iyong kahilingan banggiting ang kahilingan ng tatlong beses saka ito ipasok doon sa pouch kasama na pisong barya pagkatapos ay ilagay mo dito ang tatlong kutsara ng basil powder at isang kurot ng asin.

Pagkatapos ay humarap ka sa silangan hawak sa kanan kamay ang pouch at paulit ulit na usalin ang kahilingan muli wag pong gumamit na salitang sana deritso ang paghiling, pagkatapos ay ilagay sa bag na laging dala dala maari din itong isabit sa front door o sa bintana ng iyong mga silid.

Bibigyan ka nitong ng proteksyon tutulong upang matupad lahat ng pinapangarap sa buhay at iaalis ka sa kamalasan, gawin po ito ng martes o biyernes ng alas 6 o kaya ay alas 9 ng umaga.

Samahan ng isang daang porsyentong tiwala pagsisikap ang panalangin.

2 COMMENTS

  1. gusto ko po malaman ang kapalran about sa life ko at my busseniss ako kung may improvement po b ito… sa gravel and sand ko din po… my birthday is aug.. 26 1977

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here