Bitbitin upang kumapit ang Suwerte

Kung kayo ang naniniwala sa mga pampasuwerte, wag ng magpatumpik-tumpik pa gawin muna ito at ito ay nagdadala sayo ng suwerte.

Ang gagawin po lamang ay maghiwa ng luya maninipis po hiwan limang hiwa nito patuyin mo ang luya sa araw pag natuyo na ay maaari na natin itong gamitin.

Kumuha po ng pouch na pula kung wala po ay telang pula, kung wala talaga kahit po supot ng yelo o ice candy.

Lagyan ito ng tatlong kurot ng asin at ang pnatuyong luya at saka oito lagyan ng isang dahon ng laurel saka mo ito itali tahiin ng talian ng pulang tela.

Dalhin mo ito kung saan ka man pupunta, Bakit?  ito po ay mabisang pang-alis ng mga bad energy, pangontra sa usog sa masamang nilalang at kamalasan. Ang luya ay mabisang pampasuwerte lalo na po ang laurel at ang asin naman ay kilalang kilala pantaboy at pangontra sa malas. Maaari din ito sa sugal ilagay mo ito sa inyong bulsa at saka mo ito hawak hawakan habang ikaw ay nagsusugal.

Maaari itong gawin ng martes at biyernes o martes palitan ulit ito pagsapit ng parehong araw.

Muli tayo po ang may gawa ng ating kapalaran ito po ay gabay lamang na makakatulong sa atin lalo na kung tayo ay magsipag at may pananampalataya.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here