Bigas asin asukal katumbas ay kayaman

Bago sumapit ang saktong alas dose ng hating gabi ng December 31 dapat ay lagayan munang Bigas Asin at Asukal.

Alam naman natin na ang bigas ay ang numero uno pangangailangan nating mga Filipino sa ating hapag kainan. Kaya naman nararapat lamang na lagi tayong meron nito lalong lalo na sa pagpapalit ng taon. Pinapaniwalaan na dapat punong-puno ang ating mga lagayan ng bigas at buong taon ay dika mauubusan nito.

At ang asin ay hindi lamang kilala bilang pampasuwerte, kilala din itong pantaboy ng bad energy at mga kamalasan kaya dapat po ay punong – puno din ng asin ang iyong mga lagayan at dapat po ang asin na ito ay Rock salt. Wag na wag hahayaang kayo ay mauubusan ng Asin.

Ang Asukal naman ay magpapanatili sa pagkakaisa lambingan at pagiging sweet ng pamilya sa isang tahanan kaya dapat ay puno din ang iyong mga lagayan ng Asukal brown man o puti.

At upang mas suwertehin tayo ay samahan natin ito ng ritwal.

Sa isang pouch na kulay pula o telang pula at maglagay ng isang kutsara ng bigas, isang kutsara ng asin at isang kutsara ng Asukal. Pagkatapos ay dasalan mo ito ng isang AMA NAMIN at isang

SUMASAMPALATAYA.

Pagkatapos ay isunod mo dasalin ang lahat ng inyong mga kahilingan na hindi gumagamit ng salitang sana. Lahat lahat ng iyong hiling at nais mangyari sa buhay sa taong 2021 ay hilingin mo.

Pagkatapos ay kung tela na pula ay iyong ginamit ay tahiin mo ito upang walang kahit ni kaunting matatapon sa ating mga sangkap at saka ito talian ng pulang ribbon.

Ilagay ito at sa inyong mga altar at hayaan lamang ito doon.

Wala masama kung tayo ay sumubok at maniwala

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here