Ikaw ba ay isang sa sinasabing malamig ang dila yong pagdating sa panliligaw ay walang lakas ng loob at parang nababahag ang iyong buntot? Kung yes, basahin mo ang artikulong ito upang natulungan ka na makamit ang kanyang matamis na oo.
Daanin mo sa dahan dahan. Hindi mo kailangan ang magyabang sa babae na iyong natitipuhan. Karamihan sa mga kababaehan ay mas gusto nila ang simple ngunit suwabe.
At dapat ay alam mo kung ano ang mga nais at ayaw niya. Mahalaga ang parte na ito upang maiwasan mong gawin ang mga ayaw niya upang iwas sa turn off. Ngunit kung ang mga bagay naman na mga ginagawa mo ay mga gusto niya o diba plus agad para sayo ito.
Kilalanin ang kanyang mga barkada at makipagkaibigan ka sa kanila. Maging totoo ka sa kanila wag kang magbuhat ng sarili mong bangko para lang sumisip at magustuhan ka nila be who you are, act what you are basta maging totoo at makisama ka ng mabuti sa kanila. Sa ganitong paraan makikita niya ang magaganda mo pakikisama sa kanila. At another plus nanaman ito para sayo.
Dapat ay lagi kang maging magalang sa kahit sino paman. Ito ay napakahalaga upang mas mapansin ka niya. Maging magalang ka sa mga tao sa iyong paligid matanda man iyan o bata.
Maging masipag at ipakita ang iyong mga kakayahang gawin sa buhay mag aral ng mabuti o kaya naman ay pag-igihan mo ang iyong trahabo. Madaling mahulog ang loob ng isang babae sa mga lalaking magaling dumeskarte sa buhay ng walang sinumang inaasan o natatatapakang ibang tao dahil nakikita niya ang pagiging responsible nito.
Ilan lamang ang mga ito sa mga payo na maaari mong gawin upang makamit ang kanyang matamis na oo
Ilan lang ang mga ito sa mga simpleng pamamaraan para mapansin ka ng iyong nililigawan nang hindi mo kinakailangang maging korni o gumastos ng mahal. Kapag nagawa mo ang lahat ng ito ay tiyak na hindi magtatagal ang iyong panliligaw at agad ka niyang sasagutin.