Ang ritwal na ito gamit ang berdeng kandila ay makakatulong sa inyo upang gumaan ang takbo ng pang araw -araw na pamumuhay.
Muli po ito ay para po lamang sa mga naniniwala sa mga pampasuwerte. Kung ikaw ay hindi naniniwala dito ay wagkanang magsayang ng inyong panahon at oras.
Una po ay kumuha ng dalawang puting malinis na malinis na papel, isang berdeng kandila posporo wag pong lighter posporo po lamang. Sa isang papel ay isulat mo ito. Subrang hirap ang buhay namin ngayon, kapos na kapos kami sa pananalapi.
Sa isang papel naman ay isulat mo ang mga ito.
ako ay magkakaroon ng maraming maraming pera. Yayaman ako kilan man ay hinding hindi na ako kakapusin sa pananalapi.
Pagkatapos ay saka mo ito dasalin ng taimtim.
Angel Gadiel, Alam kung ikaw ang Angel ng Kasaganahan, Kaawaan ako papasukin ang limpak-limpak na pera sa aking tahanan upang kahit kilan man ay hindi na kami paghihirap sa buhay. Amen.
Si Angel Gadiel ay ang Angel ng kasagahan at ang Gadiel ay ang ibig sabihin ay God is my well.
Pagkatapos magdasal ay kuhanin mo ang papel kung saan mo isulat ang salitang subrang hirap ng buhay ko at basahin mo ito ng tatlong beses. Pagkatapos ay sindihan mo ang berdeng kandila at saka mo sunugin ay papel, isa-isip na kilan man ay hinding-hindi kana maghihirap sa iyong buhay. Pagtuluyan ng itong naabo ay kuhanin ang pangalawang papel at saka mo usalin ang salitang iyong isinulat dito ng tatlong beses.
Yayaman ako magkakaroon ako ng limpak-limpak na salapi kilan man ay hinding hindi na ako kakapusin sa pananalapi,Pagkatapos ay patayin ang kandila wag po itong hihipan maaring itaktak mo upang mamatay ang apoy nito ngunit wag itong hihipan.
Pagkatapos ang papel kung saan mo isinulat ang salitang Yayaman ako magkakarroon ako ng limpak-limpak na salapi ay idikit mo ito sa lugar kung saan ay nakikita mo ito pagising mo pa lamang sa umaga at bigkasin mo ito kada gising mo ng tatlong beses, wag na wag mong iyong kaligtaan pagkagising mong bigkasin.