BAKIT NGA BA MARAMI ANG BROKEN FAMILY?

Isa sa pangunahing rason dito ay pangangaliwa, Kung hindi man ang lalaki si babae Naman.

Ito ay nagiging sanhi din ng hiwalayan ng mag-asawa. Minsan Naman, dahil sa hindi pag-kakaunawaan ng mga magulang o kapamilya ng mag-asawa ay hindi ito nagkakasundo at nauuwi sa panunulsol na hiwalayan.

Nag-hihiwalay din ang mag-asawa dahil sa kadahilan hindi sila kontento o hindi nila makita ang tunay na kaligayan sa piling Ng isat Isa. Maaari din naman dala ng subrang kahirapan?

Dahil sa hiwalayan ng mag-asawa, nagkakaroon ng masama itong epekto. Sino nga ba ang pinakang naapektuhan nito? Ang mga anak, sila ang una at pinakanaapektuhan dito.

Maaaring mawala tiwala nila sa kanilang sarili, dahil sa paghihiwalay ng kanilang mga magulang.Yong iba Naman ay nawawalan ng gana sa pag aaral. At Ang mas masakit dito ay yong mapapasama sa mga masasamang barkada at bisyo

 Upang maiwasan ang mga epektong ito, siguraduhing napaparamdam sa mga bata ang dapat nilang maramdaman na pagmamahal at pag-aaruga galing sa mga magulang, hiwalay man o hindi.

Lagi ipakita sa kanila na kahit ganon ang sitwasyon ay nariyan lamang kayo para sa kanila sa lahat Ng panahon at oras.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here