Atis at Ulan sa Panaginip

ATIS

Kung ang managinip ng atis ay single pa lang, nangangahuugan ito na mahihirapan kang makisama sa pamilya ng girlfriend o ng boyfriend o ng mapapangasawa…

Kung ang managinip ng atis ay may asawa na, nangangahuugan ito na hirap ka pa ring makisama sa pamilya ng iyong asawa magpahanggang ngayon.

Kung sa iyong panaginip ay kinagat mo o kaya ay kinain mo ang atis… nangangahulugan ito na mapapaaway ka o may makakaalitan ka sa pamilya ng iyong girlfriend o boyfriend o ng mapapangasawa o ng asawa.

-Kapag nanaginip ka ng makulay na butterfly sa iyong dream, it implies that you will have a constructive influence o, mga taong susuporta sayo sa darating na kaganapan Ng pangyayari

ULAN

-Panaginip tungkol sa ulan ay isang simbolo ng pagbabago at spiritual cleansing.

Ang ulan, simbolo ng banal na pagpapala at revelation. Ito ay nagdudulot ng tungkol sa pagkamalikhain at paglago.

Ang ulan na may kasamang kulog at kidlat sa panaginip, ayon sa “the dream book of Vanga” ay isang paghahayag ng kalooban ng Diyos. Kung ang isang tao ay natatakot sa mga bagyo, ito ay nangangahulugan na siya ay may ginawang kasalanan sa buhay at kailangan itong itama.

Ulan na may katamtamang lakas ay simbolo ng kasiyahan at parating na tagumpay.

Ulan na malakas at may madilim na ulap ay simbolo ng pagkabagabag dahil sa iyong problema.

Ngunit, kung wala namang pinsala o pagkawasak dulot ng malakas na ulan sa iyong panaginip, simbolo ito ng paglago (profits), awa at pagpapala.

Ulan na may pagbaha at maruming tubig ay nagpapakita na ikaw ay nagtatampisaw sa iyong mga negatibong emosyon. Maaaring paalala rin ito sa iyo upang maglaan ng oras para sa sarili upang malinawan ang pag-iisip at matagpuan ang internal peace.

At kapag nanaginip ka ng ulan, ikaw ang nagre-release ng tension at stress dahil ang ulan ay simbolo rin ng ating emosyon.

At maaari rin namang paalala ito sa iyo na baka ikaw ang nagbibigay ng pagkabagabag sa iba dahil sa iyong pagiging demanding, katarayan, at pagiging matigas ang ulo.

Sa mga babae ang panaginip na ulan ay pagre-release ng sexual desires.

Sa mga lalaki naman ay maaaring ay simbololo ng pag-unawa ng kanyang sarili at lalo na sa damdamin ng kanyang partner.

Ang ulan ay isang positibong simbolo panaginip , na nagpapahiwatig na natagpuan mo na ang solusyon sa iyong problema.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here