Ano ba ang papel ng mga kabit sa ating buhay sa sa ating mga asawa?

Hello guys, ngayon ay atin namang pag-usapan ang kabit ano ba ang kanilang papel? Minsan di natin masisi ang ibang babae na pumapatol sa may mga asawa, minsan kasi yong iba ay di nila alam na ang lalaki palang kanilang iniibig ay pamilyadong tao na. Nalaman niya lamang ito noong siya ay lubusan ng napamahal sa taong ito ,at parang dina niya kayang mawala ito sa kanyang buhay. May iba naman dyan na kahit alam nilang may asawa na ang taong ito ay wala siyang pakialam basta makuha niya ito dahil mahal niya ang taong ito. Dina niya iniisip ang pamilyang kanyang masira o sinisira ang mahalaga sa kanya ang kanyang kaligayahan, siya ay isang taong selfish, sarili lamang niyang kaligayaha ang kaniyang iniisip. Ngayon dahil nakuha na niya ang ating asawa, Ano ang magiging papel niya sa buhay natin at anong totoong papel niya sa buhay ng ating asawa? Minsan kasi ang mga kabit ay mas matapang pa sa mga tunay na asawa na higit na mas may karapatan sa kanilang asawa kesa sa kanya. Yong pagnakikipag-usap ang ama sa kanilang mga anak sa tunay na asawa ay galit na galit siya at ikaw agad ang aawayin! marami po ang ganito. Pero bakit po nila ito ginagawa? nararapat lamang na ang ama ay may komonikasyon sa kanilang mga anak. Dahil ito ay kanyang dugo at laman. Kung ikaw ay isang kabit dapat alam mo ito at tanggap mo na ang ganito sapagkat bago mo siya pinatulan at nakisama ka sa kanya ay alam mong may asawa at anak na siya. Wagkang umasta na mas may higit kang karapatan sa kanya kesa sa mga anak niya! lumagay ka sa dapat mong kalagyan. At kung siya naman ay nakikipag-usap pa sa ina ng kaniyang anak natural lamang ito dahil may anak sila at may mga bagay na dapat nilang pag-usapan para sa mga anak nila. Hindi porke nag-uusap sila ay nagloloving-loving na din sila o gumagawa ulit ng isa pang anak no! Wag kayong masyadong insecure dahil alam ninyo ang magiging papel ninyo sa buhay nila bago mopa pinasok ang ganyang sitwaston. Wag kayong maging mas matapang na parang kayo pa ang agrabyado.kasi ang papel mo sa kanya ay hangang sa pagiging kabit lamang yon lang po ang papel mo! oo magkasama nga kayo pero dika puwede tawaging asawa kasi di naman kayo maaring ikasal kasi may asawa nga siyang tunay. At sa mga asawa naman minsan ay naging masyadong mabait, yong kahit sila pa ang sinasabihan ng kung ano-anong salita ng kabit ay pinipilit nilang manahimik upang maiwasan ang eskandalo. Kaya ito naman si kabit umabuso sa pang-aaway sayo pilit mo mang maging mahinahon minsan dimo din mapigilan ang iyong sarili na hindi siya patulan. Hindi ko po nilalahat, alam ko pong may mga kabit o kalaguyo na marunong lumagay sa tama, at alam nila ang kanilang papel at karapatan. Ngunit mas marami po talaga ang mas naging feeling asawa. Para po sa akin ang papel ng isang kabit o kalaguyo ay isang kabit lamang, hangang doon po lamang kayo. Mas may higit na karapatan ang mga tunay na anak at asawa kung talagang nais nila iyong ipaglaban. Kaya dapat lamang na maging maayos ka sa pakikitungo sa kanila higit lalo sa kanyang anak na inabanduna o iniwan at nawalan ng ama dahil sayo.

2 COMMENTS

    • Bkit din Naman Kasi ung mga lalaking nangangabit walang respito sa asawa nila ung iba d alam ung lalaki ang galing mambola kaya pareho lang sila😠😠😠

Comments are closed.