Ang tahanan ba ninyo ay laging magulo at laging may hindi pagkakaunwaan?

Kaya naman kahit na anu ang gawin mong kayod ay sadyang mailap ang  pasok ng suwerte? Kung ang sagot mo ay oo. Malamang na may masamang enerhiya o kaya naman ay masamang elemento na naninirahan sa inyong tahanan.

Paano natin ito maaalis?

Kumuha ng clear na baso dapat ay clear na clear ang baso na ito sukang puti at asin

Kuhanin ang baso saka mo ito lagyan ng asin 1/3 po at dapat ang gagamiting asin ay sea salt po. Saka mo ito lagyan nh 2/3 na suka gumamit lamang ng puting suka o kaya ay apple cider. Saka ito lagyan ng tubig hangang mapuno ang baso.

Ilagay ninyo ito sa lugar kung saan mo ramdam na ramdam ang kabigatan nagaganap sa loob ng tahanan. Hayaan ito doon ng buong magdamag. Kinabukasan kuhanin mo doon ang baso at kung ang kulay nito ay nag-iiba o kaya naman ito ay may mga bula-bula, kung oo ay positibo nga may negatibong enerhiya kung walang nabago  wala naman walang negatibong enerhiya. Itapon ang mga ito malayo sa tahanan kasama po ang baso saka muling sumubok ganun padin ang paraan kung nakita mong nagbago na kulay ng baso o nag bula na ito naalis na ang negatibong enerhiya sa pamamahay mo

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here