Ang suwerte at malas na huni ng isang butiki

Sinasabing ang isang butiki ay dating isa ding tao ngunit dahil sa isang malaking kamaliang kasalanang nagawa ay isinumpa at ginawang isang butuki na lagi nakagapang lamang.

Narito ang ilan sa ibig sabihin ng huni ng butiki.

Kapag ang butiki na humuni sa inyong mga pintuan ay may dadating na pera o kaya naman ay bisita sa inyong tahanan. 

Kapag naman sa bintana o sa labas ng ating tahanan ibig sabihin nito ay may biglaang gastusin.

Kapag naman sa inyong sala ibig sabihin nito ay kailangan mo ipahinga Ang iyong katawan.

At kapag sa loob ng kuwarto naman ng kuwarto narinig ang tunog nito sinasabing isa sa meyembro ng pamilya ay magkakasakit.

Kapag naman sa kusina ibig sabihin ay magkakaroon ng problemang financial.

Upang ito ay makontra kung ilang beses ang tunog na iyong narinig ay kumatok ka din sa pader ng parehong bilang. 

Kung ikaw naman ay mahilig sa sugal at ang butiki ay umipot sa iyong balikat tiyak ang suwerte mo.

Kung ikaw naman ay hindi nagsusugal at naiputan ka ng butuki Ito ay nagpapahiwatig ng kamalasan upang makontra hugasan agad ng parte ng katawan na naiputan ng tubig na may asin. 

Kung ikaw naman ay nanaginip ng isang butiki mag- ingat sapagkat sinasabi nito sayo na ikaw ay susugurin ng iyong kaaway at ikaw ay ipapahiya sa harap Ng maraming tao.

Ilan lamang ang mga ito sa sinasabing ibig ipahiwatig ng isang butiki nasa sa inyo na kung ito ay paniniwalaan o hindi.                                                           

1 COMMENT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here