Ang storya ng aking buhay, Part 2. Ako ito

So ayon nga sa sideline ako noong umaasa ng kita para maitaguyod ko ng maaayos  ka aking mga anak pati ka kapatid ng boss kung isa ay pumasok na din ako nag lilinis din ako ng bahay nila.

Ngayon ikukuwento ko sa inyo ang aking buhay noong magkasama pa kami ng aking ex noon.

22 years old ako noong  nagkakilala kami pareho kami ng trabaho siya ay cook  assistant  at bartender at the same time sa isang sikat na restaurant at ako naman ay kahera. Niligawan niya ako at di nagtagala ay naging kami.

Super bait niya noong nagkakilala kami yong bang parang hindi makabasaq ng plato kaya naman subrang nahulog ang loob ko sa kanya, yong pakiramdam na hindi mo kayang mabuhay na di siya kasama.

Hanggang dumating ang time na unti-unting napabayaan ng aming boss ang restaurant lagi walang stock halos lahat ng order ng costumer ay wala kaming maibigay at nagbawas sila ng tao. At isa ako doon may sahod pa akong makatingga na isang buwan. So dahil wala na nga akong sa trabaho ay puwede naman ako pumunta doon anytime kasi doon padin siya nagtratrtaho. Hangang sa tuluyang nagsara ang restaurant na iyon. Nagdesisyon kami na magsama na.

Doon ay unti-unti kong nakikita ang tunay niyang pagkatao subrang seloso na halos dika na puwede magsuklay dika puwede tingnan kahit na sinong lalaki at tiyak malagi ang gulo ng haharapin mo

Galit ang mga kamag-anak ko noon sa kanya pati nadin sa akin kasi di ako nakikinig sa payo nila mas pinakikingkan ko puso ko.

Hangang sa nagkaroon kami ng isang anak na babae wala siyang matinong trabaho that time kaya magpasya kami na uuwi muna ako sa probensya at maiwan siya sa manila kasi pinasok na siya ng pinsan niya aa isang company bilang messenger.

Kaya ayon umuwi ako kasama ang aking anak sa probensiya halos di ako makalakad noon nabinat ako buti nalang at naroon ako sa nanay ko pinapagamot at inaalagaan.

After 5 months sumunod siyang umuwi doon sa probensya at dumalaw kami sa tatay niya Sa surigao at doon ko nalaman na may ibang babae pala siya sa manila kaya naman pinipilit nila ako na bumalik na ng maynila

Noong una ayaw niya kami pabalikin uuwi nalang daw siya madalas pero dina nagbago isip ko kaya wala siyang nagawa.

Dumating kami ng anak sa manila at humanap siya ng matitirahan namin at doon nakumpirma ko nga na babae siya.

Di naman nagtagal ay naghiwalay din sila ng babae ngunit lumala ang pagiging seloso niya yong kahit maabotan ka na nasa harap ka ng pinto sasabihin na nag-aabang ka ng lalaki

Walang linggo noon na hindi ako nagkakapasa dahil sa pananakit niya sa akin. Naranasan ko ang mahampas ng tubo ng nawasa sa mukha at sa  buong katawan

Suntok sa ulo na palagi kang nakakakita ng alitaptap ngunit tiniis ko yon kasi subrang mahal ko siya

Isang beses pareho kami na nakainum nagtext sa kanya ang babae nagalit siya dahil pinakialaman ko ang cp niya at dahil doon nag-away kami,kahit lumalaban ako ay walang sapat ang lakas ng babae sa lalaki. Nilagyan niya ako ng helmet sa ulo saka ako pinagsusuntok sa mukha grabi ang nangyari sa akin that time basag ang nguso ko nangingitim at namumuo ang dugo sa mata ko.

Ngunit sa halip ng dalhin niya ako sa hospital ay lumayas siya ng bahay at hinayaan ako sa ganong kalagayan. Tumawag  ako sa aking mga kapatid at sila ang nagdala sa akin aa hospital para tahiin ng nguso kung nabasag.

Pinipilit ako ng doctor noon na nag file na kaso ngunit hindi ko talaga ginawa pinagalitan pa nga ako subrang tanga ko na daw wala ehh tanga nga ako during that time. Mga kapatid ko ang nagpa blotter sa kanya kasi ayaw ko talaga yong anak ko siguro 8 years old siya noon umiiyak sa akin na nakikiusap na iwanan na namin ang papa niya kasi di niya kayang palagi niya akong nakikita na nasasaktan pero dika siya inintindi. Pakiwari ko noon mamatay ako pagnawala siya sa buhay ko naging subrang tanga ako noon sa pag-ibig.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here