Ngayon pag-usapan naman natin ang sustento ng ating mga anak mula sa kanilang Ama kapag kayo ay naghiwalay.
Maraming mga ama dyan na kapag hiwalay na sa asawa ay kinakalimutan na din ang responsibilidad sa kanilang mga anak, yon bang para lang silang nag-iwan ng kuting. Meron naman nagbibigay pero di sapat pero okay lang yon atleast nagbigay sila kasi siguro kararampot lang din siguro ang kanilang kinikita.
Ito ang pinakanakakainis sa lahat, sa kakarampot niyang binigay na sustento para sa karapatan ng kanyang mga anak ay aayawin kaba ng kabit niya at sasabihan kapa ng mukha kang pera. Aba teka muna mali ata, bakit tayo pa ang naging mukha pera eh karapatan ng mga anak natin ang ating kinukuha diba? Ganitong ganito ang nangyayari sa akin yung ako pa daw ang Makati at malandi dyosko lord bakitad na talaga ata ang mundo. Pero diko na pinapatulan kasi alam ko naman insecurity yon mahirap kalaban ang insecurity. Di sila nauubusan ng sasabihin para alispustahin ka. Yung parang ikaw pa ang naging kabit! Nakakainis na nakakawa.
Ngunit dapat naman sa mga ama na hiwalay sa asawa at sa mga anak nila o iniwan ang pamilya nila para sa ibang babae alamin mo ang responsibilidad mo ano? di yong nagbigay nako ng isang libo okay na yon, Hoy! dapat magkaroon kaman lang din ng kaunting oras upang makita at makasama ang mga anak ninyo ng di nila maramdaman na tuluyan muna silang anabanduna. Iba pa din kung makikita at makakasama nila ang kanilang ama kahit isang beses lang sa isang buwan. Sa ganitong paraan man lamang ay mapasaya mo sila at maramdaman nila ang presinsya ng isang ama.
At para sa mga kabit namang may mga kakapalan ang pagmumukha ilagay mo sa lugar ang pananalita mo. Wag kang umaktong ikaw pa ang naapi. Alamin ang karapatan mo bilang isang kabit kung may karapatan ka nga ba?