Ang mga benepisyo ng saging na saba

Maliban sa pag-eehersisyo ng regular, pagbawas ng timbang at diet ang saging na saba ay isa sa mga pagkaing pampapayat.Ayon sa pagsusuri , ang saging na saba ay masustansya dahil nagtataglay ito ng kakaunting calories, at mga bitamina at mineral gaya ng Vitamin A, B, C, thiamine, calcium, phosphorus, potassium, protein, at iba pa.

 Ilan sa mga benepisyo pagkain  ng  saging na saba  ay binabawasan nito ang tsansa na magkaroon tayo ng coronary heart diseases.Kilala kasi ang saging bilang pinagkukuhanan ng  potassium na mahalaga upang mapanatiling normal ang tibok ng ating puso.

Kya naman nakakaiwasbtayo sa sakit sa puso

 Ayon sa Dok ng A Research, kung isa ka sa mga tao na madalas makaranas ng heartburn,ulcer, pangangasim ng tiyan at hyperacidity, kumain ng saging na saba. Ang saging kasi ay may sariling antacid na tinatawag na phospholid at may flavonoid din itong tinatapalan ang mga sugat sa ating tiyan.maganda itong kainin hilaw man o sinaing.

May kakayahan rin ang saging na pakapalin ang lining ng ating mga tiyan dahil sa component nitong leucocyanidin. Isa ring stress reliever ang saging. Nagtataglay kasi ito ng mataas na lebel ng tryptophan na kinoconvert ng katawan upang maging serotonin,isang happy hormone, kaya napapagaan ang ating kalooban o pakiramdam. Kaya sa tuwing stress ka o bad mood, kumain lamang ng saging na saba

 Mainam rin umano itong gamot kontra diabetes kasabay ng pag inom ng naturan na sugarcane o tubo juice. Kaya naman bakit pa tayo magpatumpik tumpik kumain ng saging na saba at kamtin ang mga benepisyo niyang dala.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here