Ang mga benepisyo ng Ampalaya

Ano ang mga sustansya at kemikal na maaaring makuha sa Ampalaya?

Ang iba’t ibang bahagi ng halamang ampalaya ay maaaring makuhanan ng maraming uri ng kemikal at sustansya na maaaring may benepisyo sa kalusugan:

Kilalang taglay ng halamang ito ang ilang mga kemikal gaya ng alkaloids, glycosides, aglycone, tannin, sterol, phenol at protein.

Ang mga dahon at bunga ng Ampalaya  ay may taglay na momordicin, ang kemikal na nagdadala ng mapait na lasa sa ampalaya.

Anong mga parte ng Ampalaya  ang ginagamit bilang gamot, at paano at paano natin ito gagamitin?

Maaaring gamitin bilang gamot ang ilang bahagi ng halaman gaya lamang  ng mga sumusunod.

Dahon. Ang dahon ay karaniwang  kinakatasan o kaya ay nilalaga upang ipang-gamot.

Bunga.  Maaring durugin ang bunga nito at ang katas ay karaniwang ginagamit na panggamot sa maraming uri ng karamdaman maaring itong inumin kaya naman ay kainin ng hilaw.

Ugat. Ang ugat ay kadalasang pinakukuluan at pinapainom din upang ipanggamot.

Narito ang Ilan sa mga sakit na maaaring makuhang gumaling gamit ang Ampalaya.

Ayon sa mga pagsusuri at nakagawian ng ilan, ang ilan sa mga sakit na maaaring malunasan sa pamamagitan ng paggamit ng halamang Ampalaya.

1. Pananakit sa katawan.  Uminum lamang ng katas Ng Ampalaya  at unti until nitong papawiin ang pananakit ng katawan.maari magdikdik ng dahon kaya naman ay bunga.

2. Pamamaga o pamamanas. Ang katas ng Ampalaya ay kayang alisin ang pamamaga o o manas ng katawan.

3. Diabetes. Ang katas mula sa dahon at bunga ng ampalaya ay may malaking tulong upang mapapaayos ang lebel ng asukal sa katawan lalo na sa mga may sakit na diabetes. Ang bunga rin ay tumutulong sa pagpapalakas ng produksyon ng insulin sa pancreas o lapay.

4. Ulcer. Nakatutulong din daw sa mas mabilis na pagpapagaling ng ulcer sa sikmura ang pag-inom ng katas ng dahon ng ampalaya.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here