Ang kuwento ng aking Buhay 3

So ayon nga nagkaroon ako ng peace of mind mula noong nag decision akung humiwalay sa kanya. At mas naging matatag ako lalo na kung nakikita ko ang aking mga anak.

Nagkakaroon ako ng sapat ng lakas upang labanan ang mga hamon at pagsubok sa aking buhay. Doon ako nagtry na sumobok sa dating site. Marami kasi akung nakikita mga gaya ko ng single mom na swenerte kaya naman sumubok din ako, di pala ganun kadali hirap makahanap ng matino yong iba liit ng tingin nila lalo pa single mom ka,

Yong iba naman malulungkot sa buhay naghahanap lang ng makakusap yong iba nagahahanap ng tinatawag nilang holiday girlfriend at yong iba naghahanap lang ng aliw.

Nakakasawa ding isipin kaya diko madalas nag oonline noon doon kasi parang wala namang matino. Then may nagsabi sa akin na try ko ang isang dating site. Sabi niya doon niya nakilala ang kanyang real partner ito ay ang Filipinocupid.

So nagtry ako doon siguro naka three months din ako doon pero minsan lang din ako nag oonline kasi sa una parang ganun din , pero isang araw at may nag messege sa akin doon at siya na ngayon ang aking night in shining armor  dito kona nakilala ang taong magparamdam sa akin ng tunay na respeto, pagmamahal na walang hinihingi na anumang kapalit pag-aalaga dito ko nakita ang taong nagbigay ng halaga sa akin nagpakita sa akin ng tunay na pagmamahal masasabi kung ako na ang pinaka masuwerteng babae dahil sa kanya,

Isa siyang Canadian, ahh wonderful, awesome, kind loving responsible guy tinanggap niya kung ano at sino ako ng buong buo at walang pag-aalinlangan kasama ng aking dalawang anak, ngayon subrang saya at getting stronger ang aming relasyon may plano na kaming magpakasal at manirahan dito sa atin sa Pinas for good.

Kaya kayo mga sis, have faith lamang po maniwala magdasal dahil lahat ng pasakit na ating pinagdadaanan natin sa ating buhay tiyak na may magandang kapalit pagtiwala lamang tayo sa kanyang mga plano.                                                            

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here