Ang Filipino Horoscope, OKTUBRE 18, 2020

ARIES THE DREAMER

(March 21 – April 19) Kailangan mong kumalma. Ikaw ay gumagawa ng magandang bagay para sa pagusbong ng iyong career. Ang pinaka magandang paraan upang magtagumpay ng mabilis ay gumawa ng mga maliliit na gawain na walang gustong tumanggal. Ang ilang mga tao ay gumagawa ng kamalian sa pag tanggi sa mga gawaing tinggin nila ay masyadong madali para sa kanila. Kung ikaw naman ay naghahanap ng trabaho subukan mong mag volunteer sa mga organisasyon.

TAURUS THE ARTIST

April 20 May 20

Alagaan mo ang iyong sarili sa araw na ito: bilhan mo ang iyong sarili ng kahit anong nais mo, maligo ka ng nakakarelax o kaya naman ay mag online shopping. Ang isang kagaya mo ay dapat inaalagaan. Kapag katapos nito ay magpapasalamat ka sa iyong sarili dahil napakarami mong enerhiya upang gawin ang mga bagay bagay o mga trabaho ng may galing.

GEMINI THE DIPLOMAT

(May 21 – June 20)  Maaring makakatanggap ka na ngayon ng pamana o kahit anong pang pera galing sa iyong pamilya. Kung wala ka pang bahay ay maari ka namang magtrabaho para dito ito na ang magandang panahon upang gawin ito. Humingi ka ng tulong sa isang mabait na kamaganak at siguradong pagbibigyan ka niya.

CANCER THE EMPATH

(June 21 – July 22)  Maaring pakiramdam mo ay mayroon kang kakaibang koneksyon sa isang tao. Kausapin mo ang taong ito at gumawa ng mga trabaho kasama siya ang iyong mga kagalingan ay makakaakit ng mga opurtunidad at pagibig . Ang taong ito ay tutulong sa iyo upang mas mapadali ang mga gawain mo.

LEO THE BOSS

(July 23 – August 22 Ang paggawa ng mga bagong gawain o mga routine sa iyong buhay ay makakatulong ng malaki sa iyong kasiyahan. Kung ikaw ay naghahanap ng trabaho ay humanap ka ng trabaho kung saan ka magiging masaya kundi naman ay magtrabaho ka nalamang o mag business para sa iyong sarili. Ang paraan na ito ay makakatulong sa iyo upang maging masaya ka sa trabaho mo habang kumikita ng pera.

VIRGO THE GIVER

(August 23 – September 22) Ang iyong karisma ay napakataas ngayong ataw gamitin mo ito sa iyong advantage. Gamitin mo ito upang makahanap ng mga opurtunidad. Kahit pa dadami ang mga opurtunidad sa iyo makakatulong naman ito upang mas gumaling ka at mas maging stable financially.

LIBRA THE LEADER

(September 23 – October 22)  Ngayong araw ay makakaramdam ka ng hindi kaaya ayang pakiramdam. Ikaw ay maaring magkaroon ng problema sa iyong kalusugan. Ikaw aay pinapayuhan na ihinto ang paggawa ng investment sa isang negosyo. Ikaw ay maaaring makasalubong ng pagkatalo sa negosyo na maari mong simulan. Ang iyong mga nakukuha ay maaring mauwi sa pagkatalo.

SCORPIO THE MOTIVATOR

(October 23 – November 21) Ikaw ay magiging masaya ngayon. Ikaw ay makakaramdam ng kapayapaan sa iyong pakiramdam. Ang iyong focus sa iyong mithiin ay magiging maayos. Posible na magkaroon ka ng romantic moment kasama ang iyong kasintahan. Ang iyong bonding kasama ang iyong kasintahan ay magiging matibay ngayon. Ikaw ay maaring maging busy sa mga domestic issues.

SAGITTARIUS THE SPIRIT

Ngayon ikaw ay mas magiging masiyahin ngayon. Ang iyong ginagawa sa trabaho ay magiging maayos, ito ay maaring makapagpaganda ng relasyon mo sa iyong mga seniors, ikaw ay maaring makatanggap ng bagong responsibilidad pagdating sa promotions. Ang iyong mga kalaban ay nakokontrol mo sa iyong mga kamay..

CAPRICORN THE BRAIN

(December 22 – January 19)  Ngayon ikaw ay maaring makakompleto ng mahihirap na gawain ng madali na maaring makapagpabilis ng iyong lakas ng loon. Ang iyong dating investments ay bibigyan ka ng maraming kita. Ikaw ay pinapayuhan na iwasan ang pagaaway at walang katuturang mga usapan ito ay maaring makasayang ng iyong oras.

AQUARIUS THE SEEKER

(January 20 – February 18) Ngayong araw ay hindi maganda. Ikaw ay maaring makaramdam ng pagkalungkot at maaring hindi mo magustuhan kung ano ang maaring mangyari ngayon. Ikaw ay pinapayuhan na pahabain ang pasensya at hindi dapat magdesisyon nang mabilis. Ikaw ay pinapayuhan na alagaan ang iyong mga magulang.

PISCES THE TRAVELER

(February 19 – March 20)  Ngayon ay maari mong madaliin ang iyong mga desisyon na maaring magbigay ng benepisyo sa iyong pang araw araw na buhay. Ikaw ay maaring kumuha ng mga mahihirap na desisyon sa tulong ng iyong mga kaibiganikaw ay maaring makakuha ng madaliang tagumpay.  Manatiling bukas ang iyong isip tungkol sa mga bagay na dapat iwasan at magtatagumpay ka.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here