Ang Filipina Horoscope, Pebrero 4, 2021

Aries

March 21 – April 19

Ang isang taong malapit saiyo ay nangangailangan ng tulong mas malaki sa kaya mong ibigay. Kahit pa nais mo silang protektahan, ay nagiinit ang iyong ulo na kada sila ay nalalagay sa alanganin ay ikaw ang taga salo nila. Kung mayroong manghihiram saiyo ng pera tangihan mo sila ngunit ayusin mo ang pagsabi.

Taurus

April 20 – May 20

Ang paggamit ng iyong otoridad kahit pa sa maganda ay maaring magresulta ng sama ng loob ngayong araw. Panatilihon mong malinis at maayos ang iyong reputasyon at pagiging responsable. Sa oras na maisaayos mo na at naipakita mo ang iyong pagiging responsable ng hindi na kailangang sabihan ay gagantimpalaan ka .

Gemini

May 21 – June 20

Kung mayroong desisyong nagawa na labag sa iyo, subukan mong humanap ng positibo sa pangyayaring ito. Wala kang magagawa kundi umabante. Maglaan ka ng oras para sa iyong sarili at subukang kausapin ang iyong sarili at magplano kung ano ang susunod mong hakbang. Humanap ka ng paraan upang gawin itong opurtunidad.

Cancer

June 21 -July 23

Minsan kailangan mo nalamang harapin ang isang bagay kaysa alamin pa kung bakit ito nangyari o ano ang pinagmulan ng problemang ito. Kahit pa wala kang kontrol sa kilos ng ibang tao kaya mo namang kontrolin ang iyong sarili. Ialis mo rito ang iyong atensyon at magsaya ka o magbasa ng mga nakakatawang babasahin.

Leo

July 23 – August 22

Kahit pa nakakatuksong baliwalain nalang ang iyong mga obligasyon ngayon at magpahinga, nakaasa ang mga tao sa iyo. Ang pagsasawalang bahala nito ay magiging dahilan ng pagkasira ng iyong reputasyon.

Virgo

August 23 – September 22

Mayroong mga oras na kahit ang mga napakaresponsibleng toang magaya mo ay nais ring huwag munag gumawa. Ngunit matalino ka upang hindi matuksong gawin ito. Ang iyong kabaitan ay makakatulong upang mag karoo ka ng ng mga kaibigang maasahan mo. Kapag naggabi na ay bigyang pabuya mo ang iyong sarili sa pamamagitan ng pagreregalo.

Libra

September 23 – October 22

Kahit pa ang mga bagay ay para bang nakakababagot ay huwag kang magalala dahil makakabawi rin saiyo ang araw. Kausapin mo ang isang taong malapit saiyo at palalimin pa ang pagsasam nyong dalawa lalo na doon sa taong nakakalayuan mo na ng loob. Gawin mo ang mga bagy na dati nyong ginagawa noong bago pa lamang kayong magkakilala.

Scorpio

October 23-November 21

Para bang kapag mas nagbibigay ka ay mas umaasa ang mga tao sa iyo. Nakakainis ito ngunit mayroong karing parte kung bakit ito nangyayari. Ang pagkuha ng lahat ng responsibilidad sa relasyong ito ay gumagawa ng hindi balanseng relasyon kausaoin mo sila upang baguhin ito. Hindi man kasing galing ng iyong mga gawa ay ayos narin ito upang matuto at makatayo sila sa kanilang mga paa.

Sagittarius

November 22 – December 21

Kung ano man ang hindi magandnag pinagkakaadikan mo ngayon o ginagawa ay alisin mo na ito dahil nagiiwan ito ng sira sa iyong sarili at iyong career. Magsimula kang mag ehersisyo at alagaan ang iyong sarili. Hindi man maganda sa pandinig ang paghingi ng tulong sa propesyonal ay papasalamatan mo naman ang iyong sarili sa pag gawa nito.

Capricorn

December 22 – January 1o

Mag kusa ka ngayong araw na gumawa ng mga gawain at makikita mo ang pagbabago ng pakikitungo sa iyo bg ibang tao. Magiging mabait sila sa iyo at mas tutulungan ka nila sa iyong mga gawain. Kahit pa naging mas masipag ka ay mas mapapagaan naman ang iyong mga gawain dahil sa papuri at kabaitang matatanggap mo sa mga nasa paligid mo.

Aquarius

January 20 – February 18

Ang paggawa ng isang bagay ng nagaantay ng pabuya ay hindi maganda, mensahe ito ng buwan para sa iyo. Maging masipag ka at mas maging mabait isipin mo rin ang iba lalo na ngayon at may nagaantay ng tulong mo. Tulungan mo ang nangangailangan dahil kapag ikaw ang nangailangan ay bibigyan ka rin ng tulong ng taong ito at ipagpapasalamat mo ito ng malaki.

Pisces

February 19 – March 20

Mayroong isang chismis ang makakarating saiyo patungkol ito sa isang taong malapit aa iyo. Ngunit kahit gusto mo itong sabihin sa iba yan ang huwag na huwag mong gagawin dahil pagsisisihan mo ito. Pinagkakatiwalaan ka ng marami at ikaw ang pinagsasabihan nila nito dahil nasasaiyo ang kanilang tiwala at huwag na huwag mong hahayaang masira ito dahil iyan ang pagsisisihan mo ng malaki.