Ang Filipina Horoscope, Marso 7, 2021

ARIES

(March 21 – April 19)

Walang ibang mas may pakialam kaysa saiyo, ngunit minsan masyado kang mapagmahal at maypake sa iba kaysa sa iyong sarili at nagiging dahilan ito upang gamitin ka ng mga tao sa iyong paligid

TAURUS

(April 20 May 20)

Bakit naaawa ka parin sa sarili mo? Ang araw ay nililipat ang iyong buhay sa masayang buhay wag mo itong sayangin. Napakarami mong mararating, maging maayos ka

GEMINI

(May 21 – June 20)

Madaming bagay ang dumating na nawawala na sa iyong kontrol at hindi ito isa sa magandang pinagdaaanan. Sa kabilang banda ay ito ay nagsilbing aral kaya kailangan na magpasalamat ka parin dahil madaming bagay kang natutunan dahil sa pangyayaring ito.

CANCER

(June 21 – July 22) 

Kung may isang bagay kang pinagtatrabahuhan at nawala ang gana mo sa paggawa nito ay walang kwenta ang pagpapatuloy ng iyong ginagawa. Bago ka magtrabaho ay kailangan na mahal mo ang ginagawa mo kaya humanap ka ng paraan upang hindi ka magsawa sa proyekto na iyong ginagawa.

LEO

(July 23 – August 22)

 Hindi mo kailangan gumawa ng espesyal na bagay upang manguna sa mundo, ang kailangan mo lang gawin ay maging totoo sa iyong sarili at ipakita ang iyong nakakamanghang abilidad. Mapapahanga mo ang taong importante sayo sa susunod na nga araw.

VIRGO

(August 23 – September 22)

Kailangan mo na lumabas sa iyong lungga at subukan na ipakita ang iyong sarili. Paniwalaan mo ako na halos lahat ng tao ay kilala ka kaya kailangan mong maging matatag na harapin lahat ng tao dahil walang dapat ikahiya sa kung anong mayroon ka.

LIBRA

(September 23 – October 22)

Kailangan mong humanap ng solusyon upang bawasan ang oras sa pag-alala sa kung ano ang maaring isipin ng tao sa kung anong ginagawa at dadagdag pa dito ang oras kung kailan mo talaga gagawin ito. Ang kailangan mo lang gawin ay tuonan ng pansin ang iyong sarili at hindi ang iba

SCORPIO

(October 23 – November 21)

Madaming magagandang bagay ang nagbabago sa iyong mundo, ngunit sa balanse ay madami silang nagagawang mabuti para sa iyo kaya huwag mo sila iwasan. Mas higit na positibi ito para sayo kaya humanap ng daan upang sumabay sa agod kaysa iwasan ito.

SAGITTARIUS

(November 22 – December 21)

Hindi man ganoon ka relax ang araw na ito at parang medyo malungkot ka kailangan mo paring makipag kapwa tao at makipag bonding sa mga taong malalapit sa iyo. Ayusin mo ang iyong sarili at subukang maging masaya.

CAPRICORN

(December 22 – January 19)

Hindi mo kailangang gumawa ng mga ispesyal na bagay. Mag enjoy ka lamang at maging masaya ka lamang sa iyong mga ginagawa. Deserve mo itong mga bagay na ito at nararapat lamang ito sa iyo

AQUARIUS

(January 20 – February 18)

Kung titignan mo ng mabuti ang iyong pinansyal ay makakahanap ka ng mga paraan upang mas makatipid. Tandaan hindi lahat ng magandang bagay na magagamit natin ay kailangang bilhin.

PISCES

(February 19 – March 20)

Mayroon isang imbitasyon ang matatanggap mo, at dahil nga isa kang masiyahing tao ay tatanggapin mo ito at magsasaya ka. Huwag mong kalimutang masaya rin ang trabaho, huwag sosobra.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here