Ang Filipina Horoscope, Marso 12, 2021

ARIES

(March 21 – April 19) Maaring kinakailangan na gumastos ka ng pera upang gawin ito ngayon. Kung ikaw ay binibigyan ng bagong trabaho, maari kang bumili ng ilang kagamitan upang mas mapadali nito ang iyong trabaho. Ang mga ginastos mo ay babalik sa iyong at maaring doblehin pa ito.

TAURUS

(April 20 May 20) Maaaring mas maging madali na makipag ayos sa iyong kaibigan, business associate o kasintahan ngayon. Maging bukas sa pagsasabi kung ano ang iyong naiambag sa isang argumento. Maging bukas sa mga bagay na dapat naghahayag ng saloobin.

GEMINI

(May 21 – June 20) Ang domestic projects at mga gawain ay maaring magbigay ng saya habang ang Mercury ay gumagawa ng encouraging angle sa Mars Sa iyong 4th House of Home at Family. Ang kailangan mo lang ay tatagan ang iyong loob.

CANCER

(June 21 – July 22)  Ang paglalabas ng iyong nararamdaman ang dapat mong tuunan ng pansin ngayon. Ang paglilibang sa iyong sarili ay magiging magandang galaw ngayon. Maging positibo dahil lahat ng problema ay may katapusan.

LEO

(July 23 – August 22) Mahirap alamin kung anong professional na direksyon ang kukunin mo ngayong panahon na ito. Mas mainam na tumanggap muna ng temporary assignments ngayon. Mas mapapanatili nitong nakaka interes ang mga bagay.

VIRGO

(August 23 – September 22) Ang isang tao na malapit sa iyong puso ay maaaring pilitin na na kuhain ang ilang hakbang papunta sa iyong personal na pangarap. Sinasabi ng mga planeta na wais ka kung gagawin mo ang payo ng taong ito. Sumubok ka sa ilang bagay dahil walang mangyayari kung mananahimik ka lang.

LIBRA

(September 23 – October 22) Walang kwenta ang pagaaalala sa mga bagay na hindi mo na mababago kaya naman ay huwag mo itong masyadong pagkaisipin. Maging positibo ka at harapin ang buhay ng nakataas ng noo.

SCORPIO

(October 23 – November 21) Ikaw ay hindi na sentro ng atensyon gaya ng dati at siguradong humahanap ka ng mga paraan upang maging ikaw muli ang bida. Huwag kang masyadong maghirap at huwag mo ito masyadong isipin. Ang iyong liwanag ay magniningning muli

SAGITTARIUS

(November 22 – December 21) Oo nga at ang ilan sa iyong mga pangarap ay para bang nawawala ngunit ipagpatuloy mo lamang ang pagsisikap mo. Mayroong bagong uportunidad ang nagaantay sa iyo ngunit hindi mo ito matatagpuan kung sa hindi magandang bagay ka lamang magfofocus.

CAPRICORN

(December 22 – January 19) Maaring nalulungkot ka dahil ang isang relasyon o pagkakaibigan ay natapos na. Ngunit ayos lang ito. Ilayo ang iyong pagiisip sa mga megatibong bagay at maglagay ng puwang para sa mga bagong bagay na magagawa mo

AQUARIUS

(January 20 – February 18) Ang iyong pagiisip ay para bang naguguluhan sa kasalukuyan. Kaya naman ikaw ay pinapayuhan na bawasan ang iyong mga gawain. Maari kasing sa tingin mong tama ay mali talaga.

PISCES

(February 19 – March 20) Ang iyong kaloob looban ay kinukumbinsi ka na walang kwenta ang pagkakalap ng bagong kaalaman ngayon ngunit wala itong katotohanan. Masyado kang maingat kaya naman ay hindi mo masyadong naeenjoy ang buhay.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here