Ang Filipina Horoscope, Marso 10, 2021

ARIES

(March 21 – April 19) Ang pagkakaroon ng trabaho na isinusulat mo sa iyong imahinasyon ay kritikal aa iyong kasiyahan. Ikaw ay binigyan ng magandang talento kaya gamitin ito para maging masaya ka at mapasaya mo din ang mga taong nakapaligid sa iyo

TAURUS

(April 20 May 20) Kaysa magkaroon ng iyong gusto, ang mga oppurtunidad ay kakatok sa iyong pinto. Pinapayagan ka nito na mas lumawak pa iyong nalalaman. Huwag matakot na iwanan ang mga bagay na wala ng nagagawa para sa iyo. Mas mabuti na bitawan ito para na din sa iyong sarili

GEMINI

(May 21 – June 20) Sa kabila ng iyong determinasyon, magiging imposible na impluwensyahan ang isang tao sa iyong inner circle. Ang kailangan mong gawin ay tanggapin ito. Dahil hindi sa lahat ng oras kailangan pumayag ang mga tao sa sinaaabi mo.

CANCER

(June 21 – July 22)  Ang iyong charisma ay may daan upang tunawin ang sino o ano mang haharang sa daan kaya binibigyan ka nito ng diretsong daan papunta sa tagumpay. Kahit na ikaw ay naghahanap ng pera, kasintahan, adventure o lahat ito. Ang dapat mong gawin ay maging masaya sa kung ano mayroon ka at pasalamat kung ano ang binibigay sa iyo.

LEO

(July 23 – August 22) Ang mga salita na nangagaling sa iyong bibig ay maaring ikinakalat ang mga bagay tungkol sa iyong talento ngayon. Kaysa magkaroon ng pagtaas ng posisyon, ang mga tao ay magsisimula na lumapit sa iyo para sa mga commissions. Ang magandang gawin ay ibigay kung ano sa tingin mo ang kaya mo. Wag mo pilitin ang iyong sarili.

VIRGO

(August 23 – September 22) Hayaan mo ang isang taong malapit sa iyo ay pagaanin ang puso mo sa isang nakakapagod na gawain ngayon. Maaring maging mahirap sa taong katulad mo ang tumanggap ng kabaitan, dahil hindi mo ito madalas nararanasan. Ngunit ito ang tamang oras para tanggapin ang mga bagay o gawa na ibinibigay sa iyo ng isang tao.

LIBRA

(September 23 – October 22) Huwag ka munang magpakabida sa ngayon, maaring mahirapan silang intindihin ka mas magandang tumahimik ka nalamang muna at magmasid.

SCORPIO

(October 23 – November 21) Ang araw na ito ay isang magandang oras upang palawakin ang iyong isipan. Magbasa ka ng libro o humanap ng bagay upang palawakin ang iyong isipan.

SAGITTARIUS

(November 22 – December 21) Maaring mahirap para sa iyo na magawa ang iyong mga intensyon. Maaring maiba ang iniisip sa iyo ng tao ngunit huwag kang magalala at huwag intindihin ang iniisip sa iyo ng iba.

CAPRICORN

(December 22 – January 19) Ikaw ay pinakamasaya kapg nasusubok ang iyong isipan. Subukan mong magturo o dikaya naman ay humanap ng paraan upang matuto ng bagong bagay ngayong araw. Ikakasiya mo ito ng sobra.

AQUARIUS

(January 20 – February 18) Ang pagkakaroon ng komportableng tahanan na bumubuhay sa ating kaluluwa at nagpapagana ang ating senses ay importante sa iyo. Kahit sa ekonomiya ngayon nais mo paring bumili ng iyong sariling bahay.

PISCES

(February 19 – March 20) Mayroong magandang opurtunidad ang ibibigay sa iyo upang tapusin ang isang malikhaing proyekto, o kaya naman ay mag liwaliw ngayong araw. Posible na ang iyong mga komitment sa trabaho ay binubulok ka nalamang sa iisang lugar, subukan mong maghanap ng ibang trabahong magpapasaya saiyo.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here