Ama na hindi nagsusustento sa kanilang mga anak maaari nga bang makulong? Marami sa mga ama na kapag naghiwalay sa kanilang mga misis o asawa ay basta-basta nalamang din kinakalimutan ang kanilang obligasyon sa kanilang mga anak. Marami ang dahilan, sila ay maaaring walang trabaho o may iba ng pamilya na mas higit nilang binibigyan ng pansin.Ngunit anu nga ba ang habol ng kanilang anak sa ganitong pangyayari. Una karapatan ng anak lalo na kung siya ay wala pang labing walong gulang ng suatentuhan ng kanyang ama depende sa kung magkano ang kinikita niya buwan – buwan.
Kung ang inyong mga asawa ay wala ni singkong binibigay sa inyo maaari kayong magreklamo sa women’s protection desk at isangguni ang inyong mga hinaing o mga reklamo. Minsan din kasi mataas ang pride nating mga babae pagnahiwalay tayo sa ating mga asawa hinahayaan natin sila na basta basta nilang kalimutan ang kanilang obligasyon bilang ama ng ating mga anak. Sinisikap nating ibigay ang kanilang pangangailangan na mag-isa, ngunit karapatan nila na makakuha ng suporta mula sa kanilang ama. Bilang isang anak sila ay may nararapat na karapatan na makakuha ng suporta maaaring makulong ang isang ama kapag sila ay di nagsusuporta sa kanilang anak. Lumapit lamang po kayo sa women’s protection desk sa tamang kaalaman at tamang gabay. Alamin ang inyong karapatan ipaglaban ang karapatan ng inyong mga anak ito ay hindi para sayo, kundi para sa inyong mga anak upang kahit na hiwalay sila sa kanilang ama ay mararamdaman pa rin nila ang kanilang halaga bilang isang anak.