All about Boys

Ngayon pag-usapan naman natin ang mga lalaki.

Sabi nila ang mga lalaki daw ay iisa lang ang mga karakas. Kumbaga pare-pareho lamang sila lalo na sa panahon ngayon.

Halos lahat ng mga kalalakihan ay pare-parehong babaero at di makontento sa isa.

Well, para sa akin siguro may ilan namang matitino ngunit, mabibilang lamang natin sa  ating mga daliri. Ang dami pong ngayon broken family dahil sa kanilang ka walang paninindigan at sa kanilang karupukan. Hindi na nila iniisip ang kanilang pamilya na masira basta mabigay nila ang kaligayahan na akala nila ay mas makakabuti sa kanila. Paano naman po ang mga anak ninyo at asawa na basta na lamang ninyong iniwan dahil may nakita ka ng iba na akala mo mas higit kaysa sa kanya? Na akala mong mas makapagbigay sayo ng kasayahan na dikang ibigay sayo ng iyong asawa o kasintahan.

Isipin ninyo mga boys. Once and for all, kayo ang nanligaw sa amin sinusuyo-suyo ninyo kami hanggang sa mahulog at minahal namin kayo ng buong puso na halos wala na kaming itinira para sa aming mga sarili. Tapos bandang huli ay lolokohin lang ninyo kami iiwanan at ipagpalit sa ibang babae.

Nasaan ang hustisya na pagkatapos ng lahat-lahat na isinakripisyo naming mga babae para sa inyo ay sasaktan lang ninyo kami?

Sabihin na nating magkasintahan pa lang kayo at nakahanap na kayo ng iba kaya naman basta nalang ninyo iwanan ang kasintahan ninyo kasi nga may iba kana?

Wag naman ganyan lalo na kung nakikita naman ninyo ang effort na mga ginagawa niya para sa inyong relasyon. Isipin ninyo ang kanyang nararamdamang sakit dulot ng iyong kataksilan at pagiging marupok.

Ito na, di sinusubukan ng babae na mag-move on at kalimutan ka. Saka ka naman babalik at hihingi ng tawad, magsusumamo na mahalin at tanggapin kang muli. Ay dyosko sasabihin mong  mas mahal mo pala siya kisa doon sa isa kung kilan naman niya naisip na kalimutan ka? Kami namang babae kasi nga ay mahal ka tinanggap ka naman ulit at pinatawad sa mga nagawa mo.

Mga boys ingatan ninyo ang inyong mga partner asawa o kasintahan pa man iyan lalo kung nakikita mo naman ang kanilang mga ginawa at ikinikolos na talagang mahal ka at pinapahalagahan ka niya maging responsible po tayo sa dadamin ng ating mahal.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here