Alisin ang kuto sa ating mga ulo

Karamihan sa mga mahihirap na pilipino ay may kuto, lalong-lalo na iyong mga taong nakatira sa probinsiya. Ang sabi nila ay kinukuto ang isang tao kapag laging nabibilad sa araw  Oo nga at mahilig sa init ang mga kuto, dahil kapag ang isang taong may kuto ay nabibiliad sa araw, ang mga kuto ay nagsilabasan sa buhok ng tao. Subalit hindi magkakaroon ng kuto ang isang tao kung hindi Ito mahahawaan sa isang taong may kuto din

Hindi natin alam kung kelan tayo mahahawaan ng kuto, dahil hindi natin alam baka habang naglalakad tayo at nakasabay ang isang taong may kuto nahawaan tayo. Hindi lang sa nandidiri tayo, kundi nakakahiya din sa mga tao kapag kamot ka ng kamot sa ulo mo. Lalong-lalo na kapag nasa pam publikong lugar ka, kating-kati ka na pero grabeng pigil mo sa iyong sarili upang hindi mapakamot sa ulo mo.

Upang maiwasan ang mapakamot sa ulo at maalis Ang kuto sa inyong ulo, ganito ang gawin niyo.

Maligo araw-araw subalit isa o dalawang beses ka lang mag-shampoo sa isang linggo. Maglagay lang ng conditioner araw-araw sa tuwing ikaw ay naliligo. At pagkatapos maligo ay maglagay ng hair polish upang hindi masira ang buhok ninyo at wet look tingnan. Hindi pwede ang baby oil upang maging wet look kayo, mainit ang baby oil kapag ito ay inilagay sa ulo at gustong-gusto ito ng mga kuto.

Samantalang ang hair polish ay malamig at magdikit-dikit pa ang buhok ninyo. Gawin ito araw-araw hanggang sa matanggal ang kuto ninyo.