Ako Ito, Part One

Hello sa lahat ng ating mga readers ng pinay at love.

Hi guys, ngayon I-share ko sa inyo sa ilang bagahi ng storya ng aking buhay. Ako po ay 41 years old single mom with two kids boy and girl. Hindi madali ang maging isang single mom. Madaming responsibilad bilang isang ina at ama at the same time, pero dahil likas sa ating mga kababaehan ang pagiging matatag at malakas ito ay makakayanan.

 Naghiwalay kami ng aking asawa noong, May 27 2013 marami pong mga kadahilan, diko na talaga kinaya kaya minabuti ko ng tapusin na lamang ang aming relasyon at namuhay kasama ang aking mga anak. Nagtratrabaho ako dati Philippine long distance and telephone company bilang service staff. Medyo may kaliitan lang ang suweldo ko noon yun bang dika pa sumahod ay ubos na, kaya naman naghanap ako ng extrang trabaho.

After ng duty ko sa trabaho dumadaan ako sa bahay ng isa sa aking mga boss para maglinis tatlong beses kada lingo extra kita ko din yun 1k kada lingo.

 Then Sunday day off ko. Sa halip na magpahinga ay nagplaplantasa naman ako sa kanila 600 din yun kaya kahit papano ay malaking tulong din.

Yon ngalang no time to rest ka pero okay lang kayang kaya para sa aking mga anak.

Kung iisipin ko ang mga bayarin at gastusin gusto kopa ulit maghanap ng extra ulit na trabaho kaya naman nagtitinda din ako ng mga kape tinapay meryenda sa trabaho ko.

Naging maayos naman ang lahat hanggang sa dumating ang  oras na lahat ng contractual sa pldt ay tinanggal at kasama ako sa mahigit 12,000 na natangal doon. Buti na lamang kahit papaano ay malaki-laki din ang aking nakuha cash ban sa aking Agency na nakatulong sa akin na patuloy kung maitaguyod ang aking mga anak at tuloy tuloy din ang trabaho ko sa sideline line job ko.

1 COMMENT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here