Sinubukan mo na ba lahat pero parang walang nangyayari at ganoon parin ang bewang mo. Gusto mong alisin ang bilbil mo ngunit kada makakakita ka ng pagkain ay natutukso kang kainin ito? Ilang beses mo ng sinubukan pero nahuhuli lang lahat sa mas maraming kain. At ilang araw ilang linggo at ilang buwan na ang dumaan ay wala ka paring nakikitang pagbabago? Pwes narito kami upang tulungan ka. Narito ang mga bagay na maari mong gawin upang mabilis na lumiit ang iyong bewang at isang linggo lang ay makikita mo na agad ang pagbabago.
- SIMULAN MO ANG IYONG ARAW SA MASUSTANSYANG PAGKAIN.
Ang pagkain ng masustansya bilang almusal ay isa sa pinaka magañdang gawin kapag nagbabawas ka ng timbang. Pinapabilis nito ang iyong metabolism at pinapagana ng maayos, natutulong sa iyo upang mas maging mabilis ang pagpayat mo dahil tinutunaw nito ang iyong taba. Papanatiliin ka rin nitong busog , kaya naman ay hindi ka masyadong maghahanap ng pagkain at matutuksong kumain ng mas marami, kaya naman mas kokonti ang ating kakainin sa buong araw.
– simulan mo ang iyong umaga sa isang pirasong prutas gaya ng mansanas o kaya naman ay saging pagkatapos ay samahan mo ito ng itlog, oatmeal o kaya naman ay tinapay. Kung nagmamadali ka naman ay maari kang mag smoothies at mag oatmeal bar na mabibili mo sa mga convinient stores.
– UMINOM KA NG TUBIG KADA KAKAIN KA: Maaring bago magalmusal, mananghalian o kahit hapunan o meryenda mararamdaman mo kasing busog ka at aalisin nito ang pagaakala ng iyong katawan na gutom ka kung nauuhaw ka lang naman.
2.MAG EXERCISE KA
Gaya ng pag jojogging, pagbibike o pag siswimming basta mga exercise namay kinalaman sa cardio. Wala kasing ehersisyo na tatarget lamang sa iyong baywang ka naman kailangan nating papayatin ang buo mong katawan. At ang cardiovascular exercise ang pinaka mabilis na ehersisyo para pumayat.
-ang pagtalon taon, pag takbo, pagjogging o pagsayaw ay isa sa mga pinaka epektibong ehersisyo at hindi mo na kailangan pa ng gym para dito kaya wala kang dahilan para hindi magehersisyo libre at hindi ka na lalayo pa sa iyong bahay.
– Maaari kang mag ehersisyo ng kalahati hanggang isang oras para sa mabilis na pagpapapayat. Maari mo itong araw arawin o kàya naman ay kung ano sa tingin mo ang kaya mo.
3. KUMAIN KA NG ANIM NA BESES SA ISANG ARAW
Tama nga ang nabasa mo imbes na 3 ay anim na beses kang kakain sa isang araw. Ngunit imbes na mas marami kang makakain mo ay mas kakaunti ito dahil kaunti lamang ang kakainin mo ngunit anim na beses ka namang kakain. Ito ay makakatulong upang hindi ka makaramdam ng gutom at makakatulong upang lumakas at bumilis ang pagtutunaw ng taba sa iyong katawan. Sabayan mo ito ng maraming tubig.
-sa pagpapapayat ang kaibigan mo ay ang tubig dahil malaki ang matutulong nito sa iyo. Papabilisin nito ang iyong metabolismo at papanatiliin kang busog makakatulong rin ito upang mapakaunti ang iyong kain sa pamamagitan ng paginom ng tubig habang ikaw ay kumakain. kung hindi ka mahilig sa tubig ay maari kang uminom ng mga tubig namay flavor o kaya naman ay lagyan mo ng lemon, cucumber o kahit anong mga natural flavoring na maari mong ilagay sa iyong tubig upang magkalasa ito.
4. MAGSUOT KA NG HIGHWAIST NA PANTALON
Ang mga hindi high waist na pantalon ay hindi masyadong magandang tignan kung may katabaan ka dahil mas naipapakita nito ang iyong bilbil mas maganda kung mag suot ka ng mga highwaist dahil naipapakita at nabibigyang atensyon nito ang iyong bewang at napagmumuka itong maliit kung hindi ka naman kumportable sa pagsuot ng highwaist na pantalon ay maari karing magsuot ng waist shaper mura lamang ito at mabibili kahit saan tutulong ito upang matunaw ang taba sa parte ng iyong tyan at maitatago nito ang iyong bilbil kung may bagay kang nais suotin na maaring hapit sa iyo.
5.) KUMAIN KA NĢ MGA PAGKAING MATAAS SA FIBER
Ang pagkain ng mga gulay at prutas na mayaman sa fiber ay mahusay rin na pampaliit ng bilbil. Dagdagan rin ang pagkain ng mga pagkaing sagana sa protina kagaya na lamang ng itlog, karne, mga isdang dagat katulad ng salmon, tuna, at mackerel. Iwasan na rin ang mga masasamang bisyo katulad ng labis na paginom ng beer at alak, at maging ang paninigarilyo. Sinisira nito ang iyong balance diet na nagiging resulta ng pagtaba lalong lalo na ng bilbil sa tiyan.
Maraming salamat sa inyong pagbabasa, nagustuhan mo ba ang artikulo na ito? Pwes ikoment mo na iyan sa ibaba. Kung mayroon ka namang katanungan na nais sagutin ay ikomento mo iyan ay kung mayroon ka pang alam na paraan sa mabilis na pagpapaliit ng tiyan ay ikoment mo na upang makatulong rin sa iba