5 Senyales na Ayaw mo na sa’yong Partner

Una, nagpaplano ka ng hindi siya kasama. Para kasing mas nagkakaroon ka ng kalayaan kapag ang mga kabarkada mo ang iyong kasama. Kaya naman panay ang dahilan mo sa’yong partner na may importante kang gagawin kahit ang totoo ay kasama mo lang ang barkada mo at mag-a-outing kayo.

Pangalawa, panay na ang inom mo ng alak kapag kasama mo ang iyong partner o kaya naman ay umuuwi ka ng lasing. Ibig sabihin nito ay mas gusto mo na lang matulog kaysa makasama at makausap siya. Ito rin ang nagpapatunay na malungkot ka na sa buhay na iyong pinili.

Pangatlo, wala kang pakialam kung nasasaktan mo na ang damdamin niya. Kung mahal mo ang isang tao,hindi mo gugustuhin na makita siyang nagtatampo sa;yo. Natataranta ka kapag nakikita mo siyang nagagalit. Kung wala ka ng pakialam sa damdamin niya, kahit makita mo siyang humahagulgol, wala na talaga ang feelings mo sa kanya.

Pang-apat, naiirita ka sa kanyang amoy at presensiya. Kapag mahal mo ang isang tao wala kang pakialam kung mabango ba siya o mabaho, ang mahalaga sa’yo ay kapiling mo siya. Kaya, kung naiirita ka nasa kanyang presensiya lalo na kung naglalambing siya sa’yo, ibig lang sabihin noon ay wala na ang physical attraction mo sa kanya.

Panlima, ginagawa mo ang lahat ng ayaw niya. Mas gusto mo nga iyong nagagalit siya para magkaroon na ng dahilan na magkahiwalay kayo. Babae ka man o lalaki, ayaw na ayaw mo iyong ikaw ang unang nakikipaghiwalay. Paano, mabigat kasi iyong dalhin sa konsensiya samantalang kapag siya ang nagdesisyon na maghiwalay na kayo, mas nagiging magaan sa damdamin mo.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here